Lunes, Enero 22, 2018

Teenage pregnancy

Ano nga ba ang Teenage pregnancy?

Teenage pregnancy ay isa sa mga problemang hinaharap ng ating bansa, dahil dito ang ating comunidad ay dumadanas ng  "over population" o lubos na pagkarami ng mga pupulasyon, kapag madami ang ating pupulasyon lalong lumalala ang pag hihirap ng bansa na imbis na maihaon ito sa kahirapan,

Ano nga ba ang dahilan o punot dulo sa pag kakaroon ng maagang pag bubuntis sa mga kabataan,

ang sumusunod ay ang mga dahilan;

1. Ang pag site ng mga online pornographs

2. Kawalan ng gabay sa mga magulang

3. Walang wastong kaalaman sa pag tayo ng pamilya

4. Pagiging disparado na makakakita ng magandang buhay dulot ng social media.

Paano maiiwasan ang TEEN AGE PREGNANCY?
 •Sa pamagitan ng pagtutok sa mga kabataan ngayon at pagtuonan dapat ng pansin.
 •Pag iwas sa Pornsites para iwas scam.
 •Pagiging maalam sa kung sino ang makakasalamuha sa Social Medias kagaya nalang ng Skype, twitter atbp.
 •Magtayo ng programa para maiwasan ang ganitong sitwasyon.

Hindi naman natin hawak ang ating mga anak na babae o kapatid na babae, nasasa kanila nalang kung magpapaloko sila o masisilaw sa mga pera na binibigay sa kanila para lang makipagtalik.
  Sa mga maliit pa na mga anak na babae, dapat bantayan at pagtutukan ng pansin At sa mga Babae naman na nasa Highschool na o Kolehiyo, alam na nila ang dapat nilang gawin kasi may utak na sila at kaya na nila ang kanilang mga sarili. Sa mga Teenage Nanay jan, ayan na yan, wag ipapa abort kasi ang bata ang malaking biyaya ng diyos. Magsisilbi sanang leksyon ang mga nangyayari sa inyo ngayon.

 Ang pagiging ina ang pinaka masayang mangyari sa mga babae.
   Ingatan sana natin ang ating pagkababae lalong lalo na sa mga hindi natin masyadong kilala na mga tao para iwas disgrasya.
   Ang iba naman ay disgrasya at hindi sinasadya kaya wag agad husgahan ang iba lalong lalo na at hindi mo alam ang totoong nangyari sa kanilang buhay. Mag ingat nalang lalo na sa mga kalalakihan na hindi gaano ka kilala at sa social media lang nakilala.
 
Ayon sa aming pananaliksik
 May hindi mabuting naidudulot ang maagang pagbubuntis sa pamilya ng babaeng maagang nagdalang-tao. Maaaring makaranas ng Pavia vivo ang mga magulang at iba pang malapit sa kanya. Hindi madaling responsibilidad ang pagkakaroon ng anak sa murang edad. Sa kabila ng lahat ng ito, ang pinakamalaking epekto ay mangyayari sa ina at sa kanyang dinadala. Narito ang ilan sa mga epekto ng maagang pagbubuntis sa:

Ina – Isa sa pinakamalaking maaapektuhan ng maagang pagbubuntis ay ang edukasyon. Ang isang babaeng maagang nagdalang-tao ay kadalasang humihinto sa pag-aaral ng hayskul o kolehiyo. Sila ay kadalasang hindi nagkakaroon ng sapat na edukasyon na nagreresulta naman sa kawalan ng trabaho. Ang nakakasama pa nito ay maraming batang ina ang hindi nakakatanggap ng sustento mula sa ama ng kanyang anak kaya nagdedepende na lamang sila sa kanilang mga magulang upang mabuhay. Maraming babaeng maagang nagbuntis ang nabubuhay sa kahirapan ngayon dahil sa kanilang kondisyon. Mataas din ang bilang ng mga batang ina na nagpapakamatay kaysa sa mga babaeng hindi maagang nagbuntis. Ayon sa mga pananaliksik, mas mataas ang posibilidad na masundan ang pagbubuntis sa loob ng dalawang taon mula noong una itong nangyari. Karamihan sa mga kabataang maagang nagbuntis ay hindi pa marunong sa mga responsibilidad ng pagiging isang ina.

Sanggol – Kadalasan sa mga sanggol ng mga batang ina ay ipinanganak na kulang sa timbang at sakitin. Mas mataas din ang kanilang posibilidad na magkaroon ng mga komplikasyon at kapansanan. Ang mga bata na ipinanganak ng mga babaeng maagang nagbuntis ay maaaring mas mahina sa klase at mas matagal ang development kaysa sa mga batang ipinanganak ng mga inang nasa 20 taong gulang pataas. Ayon sa isang pananaliksik, ang mga batang ina ay may mataas na posibilidad na mahirapan sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang anak at hindi masyadong sensitibo sa pangangailangan nito. Ang isang isinagawang pag-aaral naman ay nagsasabing karamihan sa mga anak na babae ng mga batang ina ay maaga ding makakaranas ng pagbubuntis samantalang ang mga anak na lalaki ay mas mataas na posibilidad na makulong sa kanyang paglaki dahil sa kakulangan ng paggabay.

Paano ba maiiwasan ang maagang pagbubuntis?

Maraming salik ang kaakibat sa bagay na ito. Ang maagang pagbubuntis ay isang seryosong bagay kaya kailangang malaman ang mga dapat gawin ng bawat isa bago paman ito mangyari.

Magulang – Ang magulang ng mga kabataan ay kailangang laging nandyan upang gumabay sa kanilang mga anak. Maraming anak ngayon ang napapabayaan ng mga magulang kaya sila ay naghahanap na lamang ng karamay sa kanilang mga kaibigan. Mapanganib nito lalo na at hindi sila mabibigyan ng matinong mga payo na ikabubuti nila. Bago maging problema ng pamilya ang maagang pagbubuntis, tulungan silang maiwasan ito.

Kaibigan – Mahalagang salik din ang pagkakaroon ng matitinong kaibigan. Kapag ang iyong kaibigan ay hindi nakapagbibigay ng magandang impluwensya sa iyo, mas tataas ang tsansa na malulugmok ka sa malalang problema. Bilang mabuting kaibigan, payuhan mo ang iyong kaibigan na huwag magpadalos-dalos sa pagdedesisyon. Parangalan mo siya kung maaari upang maging mabuti ang kanyang kahihinatnan at hindi siya magsisi.

Lalaki – Bilang lalaki, kailangan mong matutunan ang salitang respeto. Kung mahal mo talaga ang isang babae, matutunan mong maghintay hanggang sa maging mag-asawa na kayo. Huwag magtake advantage sa mga sitwasyon na maaari mong magawa ang isang bagay na pagsisisihan mo lang. Kadalasan sa mga lalaki ay mapusok lalo na kapag bata pa. Kailangan na huwag magpadalos-dalos ng desisyon lalo na at alam mong hindi mo pa kayang humawak ng mabigat na responsibilidad. Huwag hinging ebidensya ng pagmamahal ang kahit anong bagay na maaaring makasira sa buhay at pangarap niyong dalawa ng iyong iniibig.

Babae – Bilang babae, kailangan mong respetuhin ang iyong sarili at ipakita mong ikaw ay karespe-respeto. Huwag magpakita ng motibo sa lalaki upang hindi ka madala sa kapahamakan. Ang isang bagay na nasa iyo ay huwag na huwag mong ibibigay ng basta na lamang. Hindi basehan ng pagmamahal ang pakikipagtalik anupa’t nagbibigay lamang ito ng senyales na ang inyong relasyon ay may kawalan ng respeto. Hayaan mong maghintay ang lalaki at makikita niya ang iyong halaga dahil matibay ang iyong determinasyon ukol sa bagay na ito.

Ang impormasyong ito ay galing sa Pagbubuntis.com ito ay isang website na ginagawa na isinasaisip ang mga kababayan nating buntis o nagpaplanong magbuntis. Ang mga impormasyon makukuha sa website na ito libre at pinagaralang mabuti sa layuning makatulong upang mabawasan ang lubhang pag-aalala tungkol sa iyong kalagayan bilang buntis at sa hinaharap bilang magulang.

Sinisikap din ng website na ito na ipalaganap ang kapakikipanabang na mga impormasyon at magbigay linaw tungkol sa mga pag-alinlangan at walang basehan na mga paniniwala tungkol sa pagbubuntis. Nagtuturo din ito ng mga tips tungkol sa pagiging mabuting magulang gamit ang mga makabagong kaalaman sa child psychology. May mga tips din dito para makatipid sa mga gastusin sa bahay at pagpapalaki ng mga anak.

Ikaw ay inaanyayahan na masayang tahakin ang buhay bilang mga bagong ina at ama. Magbasa dito upang matuto ng higit pa!

Teenage pregnancy

Ano nga ba ang Teenage pregnancy? Teenage pregnancy ay isa sa mga problemang hinaharap ng ating bansa, dahil dito ang ating comunidad ay d...